( Iwasan Mo! )
( Verse 1 )
Nagsimula ang lahat ng aking matikman
Usok na nagpapabago ng aking isipan
Hindi ko akalain na ako ay malululong
Paulit ulit ang bato aking pinapagulong
Limot ko na ang bukas kase wala pang tulog
Maya't maya sa tulak ako'y nambubulabog
Sa bato ko nakukuha aking enerhiya
Pag lowbat na ako sakin mistula syang baterya
At pag wala ng pera hindi nababahala
Maka tira lang ako kahit na magsanla
Mapanganib man ang lugar na tinatahak
Maka byahe lang ako kahit na mapahamak
Hindi papahalata kay ermat pag uwe
Pipiliting maiwasan ng bibig sa pag ngiwi
Napuna ko't napagisipan at aking narealize
Bungo na pala ako di kaya ng sterelize
( Chorus )
Kame yung mga batang nalulong
Sa bisyo na ito di alam kung bat ganun
Di naba maiiwasan to
Hahayaan nalang ba naming ganito
( Repeat 2x )
( Verse 2 )
Laging tanong sa isip ko kung bat nagkakaganito
Tama ba o mali landas na tinatahak ko
Isip ko'y litong lito pag di ko sya nalanghap
Konting usok pero pare shit napakasarap
Laging naghahagilap ng pera upang makabatak
Merong discount kapag kilala mo ang tulak
At ang utak kalmado kahit na anong gawin
Energetic kahit magamag gising
At kung lasing man ako di bumababa ang amats
Tira lang ng tira at hindi na papaawat
Kahit na si ermat madalas galet
Kase madalas ko rin ibenta ang aking damet
Pag sumabet dun maninirahan sa prisinto
Pyansa na naman si utol laging abunado
Ewan ko ba kung bakit ganito
Promise year 3000 magbabago na ako
( Repeat Chorus )
( Verse 3 )
Nakasanayan ko na ung araw araw ay sabog
Uso sakin ay gising laos na sakin ang pagtulog
Dito narin nahulog ang loob parang shinota
Batak lang batak at hindi na nagsasawa
Lubog na ang pisngi at permanente na ang eyebag
Pag di ko sya natake deym! di ako panatag
Naguubos ng pera tila ba wala ng bukas
Chinecheck ko ng mabute ang bato baka matawas
Ang umiwas sa bisyong to mahirap ng gawin
( Gusto ko to eh bakit ba marunong kapa sakin! )
Kampante pag may amats umiikot ang mata
Tingin ko sa kapitbahay naming pangit ay maganda
At pag nasobrahan naman ako ( Tamang hinala )
Di mapakali animo'y ( Nababahala )
Titigilan ko na to magbabago na ako
Susunod di na ko user pusher na ako!
( Reapet Chorus )