Check out the artist page.
Stream all 29 songs for free.
Lyrics
Maraming nagdagsa dito sa tanghalan
Lahat ay masaya, puno ng tawanan
Nagsimula ang mang-aawit, lahat ng tao’y napangiti
Maliban sa akin, parang natinik sa dibdib
chorus:
Dahil siya ay kinakanta ang awiting “Naaalala Ka”
Natatandaan tuloy ang isang kahapong kay saya
Isang gabing mahiwaga tayo’y magkayakap nang mahigpit
Sa isang sayaw, isang halik, isang Rey Valerang awit
Lumipas ang oras, tapos na ang palabas
Mga tao’y umalis na, lugar ay nagsasara
Ngunit nandito pa rin ako, di makakilos parang bato
Ginugunita ang isang matamis na panahon
chorus 2:
Sa isip ko’y tinutugtog ang awiting “Naaalala Ka”
Natatandaan ko ang isang kahapong kay saya
Isang gabing mahiwaga tayo’y magkayakap nang mahigpit
Sa isang sayaw, isang halik, isang Rey Valerang awit
Kung pwede lang, gagawin ang lahat upang ako’y mabalik
Nang makita ka, mahawak at muling mahalik
Ngunit ngayon wala ka na, tanging iwan ang alaala
Ng isang awit, at ng isang sayaw, at ng naglahong pag-ibig
repeat chorus 2
O gagawin ko ang lahat kung pwede lang ako’y mabalik
Sa isang sayaw, isang halik, isang Rey Valerang awit
Comments
The artist currently doesn't allow comments.