Song picture
Isang Rey Valerang Awit
Comment Share
Free download
songwriter music writer
Artist picture
Check out the artist page.
Stream all 29 songs for free.
Song Info
Genre
Pop Indie Pop
Charts
#624 in subgenre Peak #12
Charts
Peak #139
Author
Wil Lim
Rights
2014
Uploaded
February 26, 2014
Track Files
MP3
MP3 6.9 MB 235 kbps 4:06
Lyrics
Maraming nagdagsa dito sa tanghalan Lahat ay masaya, puno ng tawanan Nagsimula ang mang-aawit, lahat ng tao’y napangiti Maliban sa akin, parang natinik sa dibdib chorus: Dahil siya ay kinakanta ang awiting “Naaalala Ka” Natatandaan tuloy ang isang kahapong kay saya Isang gabing mahiwaga tayo’y magkayakap nang mahigpit Sa isang sayaw, isang halik, isang Rey Valerang awit Lumipas ang oras, tapos na ang palabas Mga tao’y umalis na, lugar ay nagsasara Ngunit nandito pa rin ako, di makakilos parang bato Ginugunita ang isang matamis na panahon chorus 2: Sa isip ko’y tinutugtog ang awiting “Naaalala Ka” Natatandaan ko ang isang kahapong kay saya Isang gabing mahiwaga tayo’y magkayakap nang mahigpit Sa isang sayaw, isang halik, isang Rey Valerang awit Kung pwede lang, gagawin ang lahat upang ako’y mabalik Nang makita ka, mahawak at muling mahalik Ngunit ngayon wala ka na, tanging iwan ang alaala Ng isang awit, at ng isang sayaw, at ng naglahong pag-ibig repeat chorus 2 O gagawin ko ang lahat kung pwede lang ako’y mabalik Sa isang sayaw, isang halik, isang Rey Valerang awit
Comments
The artist currently doesn't allow comments.