Kapit Sa Patalim - Verzikhulo
Line-up: Sharpcrease - Trez - Keeeeeed | (Chorus:Trez) Tungkol sa Pilipinas 2010 || Produced by: Trez
WWW.FACEBOOK.COM/VERZIKHULO
Lyrics
"Kapit sa Patalim"
by: Verzikhulo
Hook:
Bawat araw, bawat gabi
bawat taon na nagdaan
minsan liwanag, lagi ay dilim
laging Kapit sa Patalim (2x)
Sharpcrease:
Gulong gulo ang isip ko sa lahat ng nangyayare/
mahal kong Pilipinas nasisira ang imahe/
sa mga crisis na walang nag-aayus, kahit na/
etoh'y kumalat sa mundo at tayo ay mapahiya/
kelan pa ba magiging mapayapa ang Pinas/
kelan ba tayo uunlad at aakyat ng pataas?/
at ang pangarap na tayo ay makilala ng mundo/
kelan pa toh matutupad kung gobyerno'y gnito/
kurakot at bulok at walang balak na magbago/
systemang naging bulag sa mga sigaw ng mga tao/
kaya sana lang po mahal na Presidente Noy/
ikaw na sana tumupad sa pangarap ng mga pinoy/
at sana wag tumulad sa mga nauna sayo/
mahal na presidente wag yakapin upuan nyo/
kundi bigyang liwanag ang daan na naging madilim/
dahil ang Pilipinas ngayon ay Kapit sa Patalim /
Trez:
Bakit ang bayan ko ganito?/
bakit parang nilayo sa mundo?/
bakit puro away, puro gulo?/
bakit ano nga bang problema mo?/
ano nga bang pinagkaiba sa ibang bansa?/
yan nga ang bulong at tanong dahil dagsa/
sa kurakot ng gobyernong na walang pakialam/
sa batang, pagkain ay kanin na walang ulam/
dahil di mo lang alam,/
na kulang na kulang na nga kinukuha pa/
ano ba? pareho lang tayong Pinoy/
ibaba ang baril at balang sing' init ng apoy/
hindi kita kalaban, hindi mo'ko kalaban/
ang ating kalaban ay hirap yan ang tandaan/
wag kang sumungo dahil bukas ang pag-asa/
makikita nila ang Pinas ay magiging isa!/
Keeeeeed:
Nahihirapan na akong tignan /
ang kalagayan ng bansang aking kinagisnan/
hindi ko maintindihan kung bakit ganito/
ang mga pinuno, di nila nakikita ito/
ang mga batang namumulubi na lang sa daan/
araw araw sa lansangan gagawa ng paraan/
eto ba ang pinangako ng mga politiko/
kung kahirapan, ang boto' koy' uulitin ko/
nahihirapan ngang bumangon na parang lumpo/
pinaikot ang utak ng Pilipino parang trumpo/
parehong Pilipino, ang laman at ang dugo/
mahirap ba magkaisa na para bang sandugo/
sa kabila ng lahat, balang araw manunumbalik/
ang dating sigla na ngayon napuno na nga ng galit/
subalit, at kahit,sa patalim ay kumakapit/
umaga ay darating at itoy malapit, na/
nice track..much props..