Sampled an old song from your dad's cd collection.
Songs from the cubicle.
Rey and Carding!
Story behind the song
Hehe.
Lyrics
SASSY
naalala ko dati halos di tayo magkakilala
nung panahon na meron kang bangs at mahabang patilya
diko makakaila, kahit pigilan ng dila
ganda mo'y tila ba ako ay hinihila
papunta sayo pero di ko lang magawa
ang lapitan at kausapin ka ng wantusawa
labis kong pinagsisihan kasi hindi ko sinubukan
ang mapalapit sayo at maranasan na ika'y mahagkan
hanggang dumating ang araw di na kita masilayan
sabi ng iba sa pinas ikaw ay lumisan
ako sana'y handa nang makalimot sayo
ng bigla kong narinig itong kanta sa aking radyo.
lumipas ang maraming taon, maliit na aking pantalon
pero sa limot ko ay di ka pa rin nakabaon
laking tuwa ko ng ika'y mahanap, tapos ang hirap
handa nanaman akong sa tuwina ay mangarap
naglakas loob akong gawin ang dapat dati ko pa ginawa
ngayon nakakausap na kita ng wantusawa
yun nga lang di lahat panghabangbuhay
nakita kita nung may kinakasama na ako sa buhay
badtrip lang kasi gusto pa din kita
pero kuntento na ako basta makita lang kita
araw araw di ako makakalimot sayo
lalo na kung maririnig ko ito sa radyo.