Munting Panaginip (sample only, tsaka na download)
Berdugo featuring Bangyaz of Sunogbaga (Bugala Beats)
tagalog rap
Berdugo a.k.a 8BaLL-eM former C-5 Crew, former Five MaztahMindz (5MM) from Long Beach,California and North Side Philippines. Now a solo artist under F.O.B Entertainment (underground)
Story behind the song
isang munting pangarap ko para sa aking pinakamamahal na bayan,,,ang Pilipinas! ito pa lang pinakabago kong nagawa...late ng '06 pero ngayon pa lang '07 nilabas. syempre under F.O.B Entertainment & Bugala Beatz. Bangyaz of Sunogbaga on chorus
Lyrics
1st verse:
Ang munti kong panaginip sana matupad, bawat tao pamumuhay umunlad
Magkahawak-hawak ng kamay nagkakaisa, Diyos at relehiyon paniniwala iisa
Ni isa sa lansangan wala ng makikitang, nagkalat na pulubi at maliliit na batang
Walang tirahan, kumakalam na sikmurang
di masustentuhan ng pabayang magulang
Wala nang makikitang nakatambay sa kanto
wala nang drogang may masamang epekto
tyak magbabago kahit manggagantso
kung bawat tao sa mundo may mansyon at rancho
(right y'all)Bat pa nga ba hihingi
kung di nauubusan salapi sa pambili
Walang anumang presyo na di makakayanan
wala na tayong utang na di mababayaran.....
***CHORUS***
2nd verse:
Sa munti kong panaginip wala nang polusyon, wala ring dayaan sa tuwing eleksyon
Mga itim na tupa lahat naging puti na, Dongalo at Maddworld nagbati-bati na
Sa bawat katanungan ang sagot na ay tiyak
Sa bawat relasyon puso'y di na bibiyak
Mga mahal sa buhay di na pumapanaw, pati sa ilog pasig tubig ay malinaw
Sa ibabaw ng lupa perfekto na ang tao, mga krimen, trahedya at basura ay naglaho
FPJ naglilingkod pa rin sa masa,taong suko na sa buhay meron nang pag-asa
At hindi na ako broken family, puro good news na laman ng dyaryo't TV
Sa talento ko wala nang di naniniwala, wala na rin akong pagkukulang sa pamilya......
***CHORUS***
3rd verse:
Sa munti kong panaginip wala ng gulo, pitumpo't-isang pulo apari hanggang hulo
Dulo sa dulo ni isa walang rebelde, matino na rin napiling Presidente
Walang kurakot, wag kang matakot
mga pirata bumalik na rin sa laot
Mga salot ng lipunan nawala, karamdamang malubha nagamot ng himala
Nabigla sa umpisa pero di rin nagtagal, Bulag pipi't bingi bumalik na sa normal
Lahat ng sakuna nahanapan na ng lunas, kayang-kaya na nating harapin ang bukas
Bakit nga ba sa panaginip lang ganto, di ba talaga pwedeng lahat magkatotoo
At darating pa ba nag araw na lahat magbago?-MALABO! (tsk,tsk,tsk) Itulog ko na lang uli to...
---BERDUGO---
tindi nin2 kuya pa download naman.