Pinakasalan kita hindi dahil sa mahal kita
Pinakasalan kita dahil sa pera mo sinta
Ikaw na ang magbabayad ng mga inutang ko
Pati na rin inutang ng mga magulang ko
Tubusin mo na rin ang lupang nakasanla
Bili ka na ng kotse para makapasyal na
Ikaw ang magpapaaral sa mga kapatid ko
Ikaw rin ang susustento sa mga pamangkin ko
Uuwi lang ako sayo pag ubos na ang pansugal
Wag magrereklamo dahil alam kong akoy mahal
Ibili mo na rin ako ng tandang na pansabong
Dapat ang panligo ko stateside na sabon
Dapat mo rin malaman may anak ako sa iba
I enroll mo sila ng silay makapasok na
Samahan mo ring magpakulot ang kanilang ina
Wag mo rin kalimutan ang mga baon nila
2nd verse:
Pinakasalan kita hindi dahil sa mahal kita
Pinakasalan kita dahil sa katawan mo sinta
Bihira lang kasi.. sa isang pangit na tulad ko
Ang makahanap ng kasing ganda at seksi mo
Pinakasalan kita para na rin akoy mapalapit
Sa tatlong mong kapatid na hapit kung magdamit
Pinakasalan din kita para sa akin may mag alaga
Yan lang naman sa akin ang tunay na mahalaga
Ipagluto mo ako kapag ako ay gutom na
Hugasan mo din ang pinggan pag akoy tapos na
At pagkatapos bumili ka ng maraming alak
Dahil maglalasingan kami ng iyong anak
Ibili mo na rin kami ng yosi at pulutan
Bilisan mo pagkat magsasara na ang tindahan
Ibili mo na rin ng vitamins ang mga tandang
Dahil bukas ipupusta ko sila sa bayan
3rd verse:
Siguro naman alam mo na ngayon mga dahilan
Kung bakit kita pinakasalan wag kang magsisi dyan
Dahil ginusto mo rin naman ang isang tulad ko
Wala ka ng magagawa dahil kasal na tayo
Kung gusto mong umalis sige umalis ka na
Pero wag mong kalimutan maglaba muna
At kung babalik ka bumili ka ng pasalubong
Gusto ko ng pansit at puto bumbong
At wag mo rin kalimutan mag iwan ng datung
Iwanan mo sa lamesa ng meron akong pan tong
Abonohan mo na rin ang pambayad ko sa bahay
Pati na sa tubig kuryente at gamot ni inay
Salamat nga pala sa lahat ng iyong ginawa
Pag bumalik ka pa d2 dapat magbago ka na
Kulang na kulang pa kasi ang iyong mga binigay
Next time lakihan mo naman ang lagay