Kapit lang tayo ng matatag at may mararating din tayo.
Lyrics
Chorus:
Ikot ng mundo ay di humihinto
Kapit lang ng matatag
kahit pa tayo mabigo
Kung minsan ang tadhana
ay sadyang ganyan mag biro
Tawanan mo nalang
habang ang isip mo'y nag lalaro
Verse one:
Bago ng taon pero yun paring ang storya
Tambay ka paren walang trabaho na makita
Kung minsan mag isa parang gusto mo ng bumitaw
Mas madalas walang laman sikmura mong sumisigaw
Parang si Max Asuncion Lumaki sa konsumisyon
Parang sa Dami ng problema ay walang sulusyon
Oh mas mabuti mag tanong nalang kay erni baron
Baka sakaling masagot ang Ulat ng Panahon
Oh bat ganon ang takbo ng buhay para bang kwadrado
Pintuhan ng ginhawa para satin ay sarado
Kailan makakabawi sa mundong pasan-pasan
At ang hirap ng buhay pano ko lalagpasan
Repeat Chorus : 2x
Verse two:
Minsan ang buhay ay parang pelikula
merong bida at ang papel mo ay kontra bida
like Paquio Diaz kumakapal na ang bigote
wala ka na ngang makain ay lasing kapa sa Bote
Nakuha pang humimas ng manok at sumalat
Ng pitcha sa majong kahit ang buhay ay salat
Parang arina na minasa kanino ka aasa
Pwede bang sumulat ako't mag wish kay ate Mega na,
Baka sakaling lumusot kahit papano
maka chamba tumama sa jueteng oh sa lotto
Kailangan mag isip na naman ng bagong raket
kay Sandara hihingi ng advice para walang Sabet
Oh kay Ambet hihingi ng lutong ulam
Pang si Kadyo kay Simang Ang laki ng Utang
A Trenta nanaman anong pambayad ko sa Upa
Mag bigti nalang kaya ako sa puno ng Acasia.
Repeat Chorus : 2x
Isang maghapon na namang lumipas
habang nag lalakad ako sa may fly over
May biglang kumakaripas
Isang mamang nakaitim at hinahabol ng pulis
Nag nakaw daw sa bangko dahil di na natiis
Ibat-ibang storya at Ibat-ibang dahilan
Parang mga kwento na sinulat ni Ruben Pabalan
Bakit si Bobby Dacer dehins na natagpuan
Tanong mo kay Eli Soriano baka syang may alam
Parang Kapeng matabang ang buhay di'na nag babago
Sana pwedeng paritoke ang lahat kay Vicky Velo
AT kahit papano malununasan ang tama sa Ulo
Ng mga taong na halal at umupo jan sa senado
Ang maging mayaman hanggang pangarap nalang
Ang gutom tinitiis At itinutulog nalang
Sana bukas ay may ginhawa naman akong maramdaman
Para di problema ng mundo aking pasan pasan...
Paulit ulitin nalang chorus hanggang sa mag sawa.
lol. ha ha :))