_.>Spittin': YP_Morena & YP_NingNing & Communizta of Quatro Elemento _.>Chorus: YP_NingNing _.>Produced by: Communizta of Quatro Elemento
1st verse:
...[Morena]_
Ako'y nagpapasalamat sa Diyos na may kapal
Dahil ikaw ay natagpuan ko oh mahal
Sabi sa sarili na hindi seseryosohin
Lalake na ito'y hindi ko iibigin
Habang tumatagal nakikita ang katotohanan
Mga katotohanan na hindi malilimutan
Sa bawat oras araw ika'y gustong maka-usap
Sana lang tayong dalawa ay magkayakap
Sinisigaw-sigaw ay ang pangalan mo sinta
Dadating ang panahon na tayo'y magkikita
Hindi na mawawala ang pagtingin ko para sa iyo
I swear to God na ito ay totoo
Kaya naman pakinggan mo mga tinig ko
Inaalay ko mula sa puso na ito
Chorus:
...[NingNing]_
Ikaw ang kabiyak nitong puso
Nakumpleto nang dahil sa iyo
Ikaw ang lahat sa akin mahal ko oh
Mamahalin yan ang aking pangako
2nd verse:
...[NingNing]_
Nakilala ka dahil sa mga kaibigan ko
Ngunit pasensya dahil hindi naman kita gusto
Hindi naman sinasadyang saktan iyong damdamin
Sana naman ako'y iyong intindihin
Ako lamang ay sadyang natatakot
Nilimot mga nakaraang puro luha na lang inabot
Kaya naman ngayon sinabi sa aking sarili
Hinding-hindi na akong iibig pang muli
Pero bakit ganyan ang ipinapakita mo
Ginagawa ang lahat at hindi sumusuko
Habang tumatagal ako ay nahuhulog sa'yo
Pag-ibig na pinadarama ay talagang totoo
Sa lahat ng aking mga nakasama
Ikaw ang masasabing sa lahat ay iba
Puso'y muling nagbukas na ng pintuan
Mahal kita ikaw lang ito ay ipaglalaban
Chorus:
...[NingNing]_
Ikaw ang kabiyak nitong puso
Nakumpleto nang dahil sa iyo
Ikaw ang lahat sa akin mahal ko oh
Mamahalin yan ang aking pangako
3rd verse: (mixed)
...[NingNing]_
Ikaw ang masasabing talagang hulog ng langit
Ikaw ay hindi ko ipagpapalit
Di ko akalaing ito'y may patutunguan
Ngayon ikaw na ay aking natagpuan
Nagpapasalamat ako sa itaas
Ipadadama sayo pag ibig na wagas
Asahan mong ako'y nandito para sa iyo
Tandaan mo yan oh pangako mahal ko
...[Communizta]_
Ikaw lamang talaga tanungin
Mo pa kay bathala isama mo na rin
Mga santo at santa sa puso kong ito
Nag-iisang nakapinta ikaw lang sinta
Laman ng puso ni communizta hindi mag-iisa
Bawat oras nasa tabi kasama ako magsisilbi mong
Anghel de la guardia isasakripisyo ang buhay kong
Kinakailangan saan mang lagusan
Ika'y aking sasamahan
Pagkat ikaw nagpasaya nagbigay saking ligaya
Ikaw ang nagpabago ng mundo kong namumula
Sa lahat ng nakikilala ikaw ang kakaiba
Lumilipad na lobo ang piling basta ikay kasama
Magkabuhol-buhol man aking mga dila
Pilit tatapusin nasimulan ng pusong kumakanta
Ikaw aking salita pag-ibig mo aking tinta
Mga yakap at halik mo magsisilbing kataga
Chorus:
...[NingNing]_
Ikaw ang kabiyak nitong puso
Nakumpleto nang dahil sa iyo
Ikaw ang lahat sa akin mahal ko oh
Mamahalin yan ang aking pangako