Mc Siglo Original Composed By Johann Pachelbel Remixed & Remastered By Siglo
Commercial uses of this track are NOT allowed
Adaptations of this track are NOT allowed to be shared
You must attribute the work in the manner specified by the artist
its a simple love song, check it out..
Wo Ai Ni
(Verse I)
Noong primero, magkaibigan lamang diba tayo
Kapag nag sasama diba, dinadaan sa biro
Puno ng kalokohan, di matigil ang tawanan
Lahat nag iisip kung tayo nga ay totohanan
Wala akong pake, kung ano mang sabihin nila
Basta ang mahalaga para saki'y makasama ka
Pagkat ako'y iyong bihinag, wag ka sanang magugulat
Wo ai ni, mahal ko, diba yan ang aking isinulat
Walang hangganan ang saya, tumingin sa king mata
Di masukat ang ligaya, sa tuwing makakausap ka
Iyong benendahan lahat ng aking mga sugat
Ikaw ang tamis, nag alis sa panlasa kong maalat
Gatas sa kape'y nag pa pute, ang buwan ko sa gabe
Linawag ko sa dilim, isang bituing aking nadiskubre
Nag bibigay ng ilaw, sa buhay ko na mapanglaw
Pangako sayo, sa piling mo ndi ako papanaw
(Chorus)
Mahal na mahal na mahal na mahal kita
Hindi ko makakaya ang mawala ka sakin sinta
Guguho ang mundo ko, wag ka saking lalayo
Pangako ko sinta, sa aki'y di ka mabibigo
(Repeat Chorus)
(VERSE II)
Diba nga ikaw ang pusa at ako naman ay aso
Kahit minsa'y natahol ako, di naman ako perpekto
Pero ang pagmamahal ko sayo, sagad hanggang buto
Aking isisigaw wo ai ni JENNY sa buong mundo
Kahit paulit-ulit sabihin, sana'y lagi mong dinggin
Na ikaw ang pinakamagandang nangyari para sa akin
Wala ng gustong hilingin, kumpleto na ang buhay ko
Sa araw at gabi ikaw ang nais makasama ko
Sa 'king pag tulog, ikaw ang nais makatabi
Babantayan kita, habang ako ay nakangiti
Kahit mamuhay ng mahirap, basta't makamit ang pangarap
Na maiharap ka sa altar, para sa ating bukas
Pagkat babang buhay kitang iibigin
Basta mahal ko magtiwala ka sa akin
Pagkat ngayon at kailanman, tayo'y mag mamahalan
Pangako ko sayo, hinding-hindi ka bibitawan
(Chorus)
Mahal na mahal na mahal na mahal kita
Hindi ko makakaya ang mawala ka sakin sinta
Guguho ang mundo ko, wag ka saking lalayo
Pangako ko sinta, sa aki'y di ka mabibigo
(Repeat Chorus)
(Verse III)
Binuhay mo aking dugo, di ako nag lalaro
Kahit aborido, ang aking oras ay para sayo
I'll sacrifice lahat, wag lang saking mag doubt
Ang pag-ibig natin, i won't let it burn out
Pagkat sino ba ako kung wala ka sa akin
Mabuhay ng wala ka, di ko kakayanin
Kaya mahal wag mo akong iiwanan
I'm a sinner kung umibig nga'y 'sang kasalanan
Alam ko, minsa'y hindi mag kasundo
Pagsensyahan mo sana, kung umiinit ang ulo
Vice versa, sa relasyon diba give and take
Kayat maasahan mo ako, pagkat di ako fake
Malayo man ang distansya, nating dalawa
Ang tiwala ko sayo gurl, di ito magigiba
Kaya mahal ko, sinta ko, sa akin ay mag tiwala
Pangako sayo, di ka mag mumukhang kawawa
(Chorus)
Mahal na mahal na mahal na mahal kita
Hindi ko makakaya ang mawala ka sakin sinta
Guguho ang mundo ko, wag ka saking lalayo
Pangako ko sinta, sa aki'y di ka mabibigo
(Repeat Chorus 3x)