Beat & produced by Magz (sampled from OPM)
v1 Magz
nung una pa, sakit na ang aking natamo
naging tayo nga pero iniwan mo ako
iniwan mo ako para makasama sya
umaasa ka pa na mahalin ka nya
hindi nagtagal, hindi kayo nagkatuluyan
kinausap mo akot kumakatok saking pintuan
problema sa kanya, sakin mo lahat binuhos
kahit masakit, kahit luha ang umagos
nakikinig sayo para gumaan ang piling mo
tinitiis ko ang bigat sa damdamin ko
inilibas mo sama ng loob sa kanya
ikay malungkot kaya sinabi ko boo tahan na
pakirandam ko, ako tuloy ay nagagamit
nun sinabi mo gusto mo sakin bumalik
mahal kita pero ako ay iyong nasaktan
mahal kita kaya ikay muling pinagbigyan
Chorus
Kulang na kulang ba
Hindi pa ba sapat
Inubos kong lahat
Panahon ko sa iyo
Anong gagawin
Di mo pinapansin
Etong damdamin
Aking Paglalambing
v2 Magz
kaya tayong dalawa, muling nagsama pa
ang ikli ng panahon nun tayo ay sumaya
para akong sumugal, baka di rin magtagal
ang inukol mo na oras ay biglaang natanggal
ang oras na para sakin ay kulang pa
mahal mo nga ako pero di mo napupuna
ang piling ko tuloy madalas nag iisa
nag hihintay ng tawag habang iniisip ka
at ng may nakilala, akong kaibigan mo
inamin nya saakin na, meron syang gusto
attention nya na di mo sakin binibigay
ay sinasagad at sinabi nya syay maghihintay
di ko sinasadya na ako ay gumanti
habang ang labi naming dalawa ay nagtabi
inamin ko sayo na hindi ko to binalak
ang alak ay hawak ko at naiyak sa kwarto ko
Chorus
v3
Franz
nag usap tayong dalawa
binalikan mo ako (binalikan mo ako)
ngunit nag iba kana
ginantihan mo ako (ginantihan mo ako)
di ka, kuntento saakin
naghanap ka ng iba
Magz
matapos ang lahat ng aking pagsisisi
akoy pinagbigyan pero ganito ang nangyari
binabali wala ako, inaaway mo lang ako
hinahalikan lang ako kapag gusto mong bigay sayo
Chorus 2x